Wednesday 7 October 2015



        Minsan mauuntog na lang tayo at marerealize ang mga katangahan at pagkakamali na nagawa natin sa ating buhay.Tulad na lang sa pagmamahal Bakit nga ba natin minamahal ang maling tao??? na hindi kayang suklian ang pagmamahal at pagsasakripisyo na ginagawa natin para sa kanila..Haysss minsan nagmumukha na lang tayong tanga sa sa sobrang kabaliwan sa kanya pero yung totoo pala iba na yung kinababaliwan niya.Siguro para sakin sinasadya ng diyos na mahalin natin at makilala ang maling tao.Syempre simple lang naman para magising tayo at matuto mula sa ating mga ginagawang kamalian at katangahan.At higit sa lahat ay para magisng tayo sa katotohanan.Kung iisipin natin kapag ikaw ay nagmamahal ay para ka lang nasa loob ng isang box. Nakakulong o nakakapit ka sa isang bagay o tao na hindi sayo.At bukod dito ay pilit natin pinagsisiksikan ang ating sarili sa taong kahit anung mangyari ay hindi talaga para at mapupunta satin.     
Di ba nga kahit anu pang higpit ng pagkakasarado at pagkkatape niyan.Ay may isang tao pa ding nagpupumilit na buksan yang box o sarado mong puso.At yung  taong nagpupumilit na buksan yan.Ay siya pa yung taong kahit anung mangyari ay lagi pa ding nandyan at hindi nawawala  sa tabi mo.Siya yung tipong taong handang punasan ang luha mo at handa kang ipaglaban at tulungan sa lahat ng pagkakataon. sa buong buhay mo.Nakakalungkot lang kasi yung mga taong yun pa tulad ko ay yung madali lang binibitawan ,sinasaktan at higit sa lahat ay hindi nakikita at napapansin man lang.Pero kahit alam kong kaibigan lang ako sayo handa pa din akong samahan ka sa buong buhay mo.Ako kasi yung tipo ng tao na pag alam kong masaya na yung taong mahal ko okay na din ako kahit nasasaktan nako.Hirap kasi eh bakit sa dami dami ng taong pwedeng mahalin yung kaibigan ko pa minahal ko.Tas malalaman ko na iba pala mahal mo :(.Sabi nga nila holding on hurts more than letting go.Kaya hindi ka man siguro para sa akin atlis dumating yung araw na nakilala at napasaya kita kahit papaano.At inaamin ko isa ka sa pinakamagandang nangyari at dumating sa buhay ko.





No comments:

Post a Comment